Pangulong Rodrigo Duterte, isasama sa “senatorial candidates” ng Lakas-CMD

Isasama sa senatorial slate ng partido Lakas-CMD si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Lakas-CMD President at House Majority Martin Romualdez kung saan pangungunahan umano niya ang nominasyon na mapabilang ang pangulo sa kanilang senatorial candidates.

Ayon kay Romualdez, ang Lakas-CMD ang isa sa mga malaking political parties na tumulong para mailuklok si Pangulong Duterte bilang presidente noong eleksyon 2016.


Sa ngayon aniya, isinasapinal na lamang ng National Executive Committee ng Lakas-CMD ang 12 senatorial bets na susuportahan ng kanilang partido at iaanunsyo ito sa lalong madaling panahon.

Kahapon, naghain ng kanyang Certificate of Candidacy o COC si Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng isang kinatawan para kumandidatong senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Facebook Comments