Pangulong Rodrigo Duterte, kinumpirma na ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 election

Kinumpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo nito bilang bise-presidente sa 2022 election.

Kasunod ito ng lumabas na statement ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang endorsement ng partido na tumakbo bilang bise presidente para sa eleksyon 2022.

Sa Talk to the Nation nito kagabi, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy niya ang paglaban ng bansa sa iligal na droga at pagtapos sa insurhensiya.


Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte sa mga taong tumulong sa kaniya pero pagtitiyak ng pangulo ay trabaho na niya ito.

Sa ngayon, walang ibang inilabas na pahayag ang pangulo kaugnay sa kaniyang pagtakbo.

Facebook Comments