Manila, Philippines – Kinumpirmani Pangulong Rodrigo Duterte na mas marami pang opisyal sa gobyerno angmasisibak sa Lunes (April 10).
Ayon kay PangulongDuterte, hindi siya manghihinayang na magtanggal ng mga opisyal na sangkot sakatiwalian.
Aniya, mahigit 90 na angna-dismiss sa puwesto kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa LTFRB at lto.
Una nang sinibak sapuwesto ni Pangulong Duterte sina dating NIA Administrator Peter Lavina, DILGsec. Ismael Sueno at Undersecretary Halmen Galvez na nasa ilalim ng Office ofthe Cabinet Secretary.
Kasabay nito, itinangginaman ng pangulo na ‘misinformed’ siya o nabigyan ng maling impormasyon hinggilsa alegasyon kay Sueno.
Aniya, malabong mabigyansiya ng maling impormasyon dahil isa siyang abogado.
Pangulong Rodrigo Duterte, kinumpirmang mas marami pang opisyal sa gobyerno ang masisibak sa suusnod na linggo
Facebook Comments