MANILA – Kinumpirma ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dadalo sa international forum sa Mayo sa China.Ayon kay Jianhua, katuwang ng China ang Pilipinas sa pagpapatayo maraming proyekto.Aminado si Duterte na hindi kakayanin ng Pilipinas na makipaggiyera sa China.Pero, kailangan aniya munang maging magkaibigan ng Pilipinas at China para mas maganda ang pag-uusap bago talakayin ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal hinggil sa agawan ng West Philippine Sea.Maliban rito, inamin rin ni Duterte na tinigil na niya ang paggamit niya ng gamot na fentanyl bilang painkiller sa sakit niyang migraine.
Facebook Comments