Manila, Philippines – Mananatili sa Davao City ngayongaraw, Labor Day si Pangulong Rodrigo Duterte…barko ng China na nasa Pilipinas –nakatakdang bisitahin
Mamayang alas tres ng hapon ay bibisitahin ng pangulo angChinese People’s Liberation Army Navy Flagship-Destroyer Changchun sa SasaPort, Davao City.
Magsasagawa ng inspection of honor guards ang pangulobago mag-tour sa barko.
Pagkatapos nito ay ibibida ng Chinese Navy ang kanilangmga dalang baril at missiles sa pangulo at magkakaroon ng signing sa guestbook.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines ZhaoJinhua – layong nitong ipakita ang magandang relasyon ng China at Pilipinas sakabila ng isyu sa West Philippine Sea.
Ito ang unang pagkakataon na dadaong sa Pilipinas ang ChineseNavy simula noong 2010.
Samantala, pagkatapos bisitahin ng pangulo ang barko ng China,dadalo naman ito sa Labor Day assembly sa People’s Park, Palma Gil St.,Poblacion District, Davao City bandang 4:30 ng hapon.
Magkakaroon ng dayalogo ang pangulo kasama si LaborSecretary Silvestre Bello III sa labor sector.
Pangulong Rodrigo Duterte – mananatili sa Davao City ngayong Labor Day.. .barko ng China na nasa Pilipinas – nakatakdang bisitahin
Facebook Comments