Pangulong Rodrigo Duterte, may pinal nang desisyon sa pagsusuot ng face shield

May pinal na desisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, posibleng ilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong memorandum kaugnay sa pagsusuot ng faceshield sa darating na Lunes.

Hindi naman idinetalye nito ang nilalaman ng bagong kautusan pero nakasaad aniya sa memo kung anong mga lugar ang voluntary at mandatory ang paggamit ng face shield.


Una nang inapela ng IATF na basta nasa indoor, kailangang magsuot ng face shield.

Facebook Comments