Manila, Philippines – May inihandang sorpresa si PangulongRodrigo Duterte para sa lahat ng mga manggagawa kasabay ng pagdiriwang ng laborday sa mayo-a-uno.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang PangulongDuterte mismo ang mag-aanunsyo ng good news na siguradong magugustuhan ng mgaobrero.
Tiniyak din ng kalihim na handa na ang mga ikinasangaktibidad ng labor department para sa araw ng mga manggagawa sa lunes.
Ngayong taon may temang “Matatag na Kabuhayan at Trabaho Tungo sa Progresibong Pagbabago” ang pagdiriwang.
Kasabay nito, nanawagan si Act Partlylist Rep. France Castrosa hanay ng mga guro sa bansa na magsagawa ng pagkilos sa lunes.
Sa interview ng RMN kay castro, sinabi nitongkakalampagin nila ang Duterte administration na itaas ang sahod ng mga guro sabansa hindi lamang sa pampublikong sektor kundi maging sa pribado.
Bukod sa mga guro, magsasagawa din pagkilos sa lunes angibat-ibang sektor ng manggagawa sa bansa sa pangunguna ng kilusang mayo uno.
Pangulong Rodrigo Duterte – may sorpresa sa mga manggagawa sa labor day
Facebook Comments