Pangulong Rodrigo Duterte, muling binanatan ang Communist Party of the Philippines

Manila, Philippines – Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines (CPP).

Kaugnay pa rin ito ng umano’y utos ni CPP founding chairman Jose Maria Sison sa New People’s Army (NPA) na magsagawa pa ng mga pag-atake sa Mindanao bilang protesta sa martial law.

Sa kanyang talumpati sa Davao City kahapon, nagbabala ang pangulo na ipakukulong niya si sison at iba pang lider ng CPP-NPA-NDF na una nang pinalaya ng gobyerno oras na bumalik ang mga ito sa bansa.


Kasabay nito, pinuri naman ni Duterte ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na kapwa nagpahayag ng pagtulong sa pamahalaan sa pagpulbos sa Maute group sa Marawi.

Muli ring iginiit ng pangulo na hindi siya makikipag-usap sa teroristang grupo.

DZXL558

Facebook Comments