Pangulong Rodrigo Duterte, muling binatikos ang ilang media organization

Manila, Philippines – Mulingbinatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang media organization napinamumunuan ng aniya’y “oligarchs”.
 
Sa isinagawang pressconference sa Palawan, sinabi ni Pangulong Duterte na noong panahon ng kampanyaay bumili ang kanyang kampo ng airtime sa ABS-CBN at binayaran niya ito ngcash.
 
Umabot aniya sa daangmilyong piso ang kontrata pero hindi naman naibigay ang sapat na exposure atair time na kanilang binayaran.
  
Binakbakan din ngpangulo ang Philippine Daily Inquirer — na nagmamay-ari ng Philippine franchiseng Dunkin Donuts dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
 
Yun nga lang, ayon sapangulo — pinakialaman ni dating Bureau of Internal Revenue Commissioner KimHenares ang kaso kaya hindi pa napapanagot ang Dunkin Donuts sa kanilang atrasona umaabot sa mahigit sa isang bilyong piso.
  
Nauna dito ay nagbantaang pangulo na kakalkalin niya ang records ng ilan sa mga nagmamay-ari ng mediafirms sa bansa partikular na ang kanilang record sa mga binabayarang buwis.
 

Facebook Comments