Pangulong Rodrigo Duterte, muling nagbanta na may sisibaking opisyal ng pamahalaan

Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon na naman siyang sisibakin na opisyal ng pamahalaan sa mga susunod na araw.

Sa kanyang speech sa Angeles, Pampanga, sinabi ng pangulo na kaya hindi umaasenso ang bansa dahil sa ilang government official na magnanakaw.

Kung mapapatunayan anya niyang nanghihingi ng pera at sangkot sa katiwalian ang opisyal na ito ay hindi siya magdadalawang isip na sipain ito.
Binalaan din ng pangulo – maging ang mga nanunungkulan ng higit pa sa dalawamput limang (25) taon na hindi papahintulutan ng kanyang administrasyon ang mga korap na opisyal.


Dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian, una nang sinibak sa pwesto ni Duterte ang dalawa niyang fraterny brother sa Bureau of Immigration, Peter Lavinia na matagal na niyang aide at dating National Irrigation Administration (NIA) chief gayundin si dating Interior Secretary Ismael Sueno.

Facebook Comments