Pangulong Rodrigo Duterte – muling nagp ahiwatig ng pagdedeklara ng Martial Law

48
 
Manila, Philippines – Muling nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte ng kagustuhan na mag-deklara ng Martial Law.
 
Ayon sa pangulo – kung magdedeklara siya ng Martial Law, masosolusyunan niya ang lahat ng mga problema sa bansa, at hindi lang ang problema sa iligal na droga.
 
Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na sakaling mangyari ito ay magtatayo siya ng mga military courts kung saan lilitisin ng mga militar ang mga terorista sa Mindanao, at hahayaan niya ang mga ito na ibigti ang mga ito.
 
Matatandaang ilang beses nang nagpahiwatig si Pangulong Duterte ng pagdedeklara ng martial law dahil sa gulo sa Mindanao dulot ng mga teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf Group.


Facebook Comments