Pangulong Rodrigo Duterte, nag-alok ng 2 million pesos na pabuya para sa ‘killer cops’ ng Ozamiz

Manila, Philippines – Nag-alok ng dalawang milyong pisong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang makakahuli sa mga pulis na kasabwat ng pamilya Parojinog.

Sinabi ito ng pangulo sa pagdalo niya sa ika-116 na anibersaryo ng police service unit ng PNP.

Aniya, may hawak siyang shortlist ng mga pulis na may kinalaman sa pagpatay sa ilang sibilyan na inilibing sa likod ng isang barangay hall.


Dagdag pa ni Duterte, pupunta siya sa Ozamiz City para personal na balaan ang mga pulis doon.

Tumanggi naman siyang sabihin ang eksaktong petsa ng kanyang pagbisita.

Facebook Comments