Pangulong Rodrigo Duterte, nag-alok ng tulong sa pamilya ni Bree Jonson

Nakahandang tumulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya ng biktimang si Bree Jonson na nasawi nitong Setyembre 18 sa isang resort sa La Union.

Ayon sa abogado ng pamilya na si Atty. Maria Moreni Salandanan, ang pangulo mismo ang nag-forward ng kaso sa National Bureau of Investigation o NBI para matulungan silang umusad ang imbestigasyon.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na asphyxia o kakulangan ng oxygen supply sa katawan ang dahilan ng pagkasawi ng 30 anyos na painter.


Samantala, dinala na kahapon ang mga labi ni Jonson sa Davao City habang nailipat na sa Department of Justice (DOJ) ang kaso ng kaniyang nobyong si Julian Ongpin na nakunan ng cocaine.

Sa kabila niyan, kinuwestiyon ni Salandanan ang tila double standards pagdating sa kaso ni Ongpin matapos itong pakawalan ng La Union Prosecutor’s Office.

Facebook Comments