Humingi ng sorry si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mabagal na pagtugon ng gobyerno para sa mga biktima ng Bagyong Odette.
Sa kaniyang pagbisita kahapon sa Palawan, sinabi ng Pangulo na nahirapan din sila lalo na’t magkakalayo ang mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Nagpaliwanag din ang Pangulo na hindi nila agad mailabas ang calamity fund dahil kinakailangan muna ng assessment sa naging pinsala sa isang lugar bago mailabas ang pera kung kaya’t hindi na niya ito hinintay.
Kasunod nito, tiniyak ng pangulo na maipapamahagi na agad ang pondo para sa mga apektadong lugar.
Facebook Comments