Pangulong Rodrigo Duterte, nag-sorry sa mga pasahero ng MRT-3

Manila, Philippines – Humingi ng paunmanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) line-3.

Ito’y dahil sa patuloy na nararanasang aberya at paglagapak ng serbisyo nito lalo na sa insidente ng paghiwalay ng bagon ng tren sa pagitan ng ayala at buendia stations nitong Huwebes.

Ayon sa pangulo – hindi niya isinasantabi ang anggulong sinabotahe ang operasyon.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque – batid ng pamahalaan ang hirap ng mga pasahero sa pagsakay sa MRT at kinakailangan na itong i-rehabilitate at i-upgrade.

Tiniyak ng palasyo na tinutugunan ng pamahalaan ang problema at siniguro sa mga pasaherong ligtas pa rin itong sakyan.

Facebook Comments