Pangulong Rodrigo Duterte, nagbabala sa mga negosyanteng mananamantala sa gitna ng COVID-19 pandemic

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyo laban sa profiteering at hoarding ng essential medical equipment sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Sa televised address, inatasan na ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na silipin ang alegasyong may local supplier na nagpapataw ng overpriced testing kits at machines, at delayed delivery ng medical equipment sa bansa.

Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi katanggap-tanggap na mag-hoard ang mga negosyante sa panahon ng pandemya.


Pero nilinaw ng Pangulo na aaksyunan nila ito sa legal na paraan.

Matatandaang isiniwalat ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin na mayroong couple na sinasabing exclusive distributors ng testing kits at machines sa Pilipinas, kung saan pinapatungan ng tatlong beses ang presyo ng ilang medical supplies at nagho-hoard ng testing kits at machines.

Kinuwestyon din ni Senator Panfilo Lacson ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) kung bakit sila bumili ng COVID-19 testing machines at swabbing kits na doble ang presyo kumpara sa equipment na binibili ng ilang pribadong kumpanya.

Facebook Comments