Pangulong Rodrigo Duterte, nagbabala sa NPA na hindi siya pipirma ng anumang kasunduang pangkapayapaan hanggat hindi matitigil ang pakikipaglaban ng rebeldeng grupo sa gobyerno

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army na hindi siya pipirma ng anumang kasunduang pangkapayapaan.

Ito ay kung magpapatuloy ang pakikipaglaban ng rebeldeng grupo sa tropa ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi rin ititigil ng gobyerno ang operasyon nito laban sa NPA hangga’t hindi pumipirma ng isang bilateral ceasefire si CPP founding chairman Jose Maria Sison.


Gayunman, nangako si Duterte na hindi niya ipaaaresto o ipakukulong si Sison sakaling bumalik ito ng Pilipinas dahil aniya, may sakit na ang CPP founding chairman.

Samantala, kasabay ng pangunguna sa groundbreaking ng “Biyaya ng Pagbabago Housing Project”, nakiusap ang Pangulo sa mga benepisyaryo nito na huwag ibenta ang mga bahay na igagawad sa kanila.
Aabutin ng labing-walong buwan bago matapos ang proyekto na ibibigay sa mga biktima ng sunog at sumukong miyembro ng NPA.
DZXL558

Facebook Comments