Pangulong Rodrigo Duterte, nagbanta sa mga tiwaling barangay official na huwag magpaka-‘diyos’

Dapat ihinto ng mga barangay official ang kanilang pagiging ‘diyos’ at itigil ang korapyson dahil kung hindi ay masisibak sila sa kanilang puwesto.

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tiwaling barangay official sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang public address, iginiit ni Pangulong Duterte na dapat magsilbi ang mga barangay official sa taumbayan at mahigpit na ipatupad ang quarantine measures para din matiyak ang kalusugan ng kanilang komunidad.


Hindi rin magdadalawang-isip ang Pangulo na suspendihin, sibakin at kasuhan ang mga tiwaling barangay officials dahil hindi sila karapat-dapat na manatili sa gobyerno.

Nais ni Pangulong Duterte na makita ang paghihirap at kahihiyan ng corrupt public servants.

Nabatid na isinusulong ni Pangulong Duterte ang ‘zero’ tolerance pagdating sa korapsyon sa pamahalaan.

Facebook Comments