Nagpaabot ng pakikiisa kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-alala sa pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ng pangulo na magsilbi sanang halimbawa ang kabayanihang ipinakita ni Ninoy sa mga kinakaharap nating problema lalo na ngayong COVID-19 pandemic.
Nanawagan din ang pangulo na ipakita ang pagkilala sa legasiya ng dating senador sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng mga pansariling interes para sa ikabubuti ng mas nakararami.
Binaril si Ninoy sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983 at kalaunan ay ipinangalan sa kaniya ang nasabing paliparan.
Facebook Comments