Pangulong Rodrigo Duterte, nagpaabot ng pakikiisa sa paggunita ng Ninoy Aquino Day ngayong araw

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pakikiisa sa mga Pilipino sa paggunita ng 34th death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino.

Sabi ni Pangulong Duterte, naging saksi ang kasaysayan sa mga nagawa ni Aquino bilang mamamahayag at politiko tungo sa makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Ipinaglaban aniya ni Aquino kung ano ang tama at matuwid at hanggang sa katapusan ng kanyang buhay ay nagbigay ito ng inspirasyon sa pagsusulong ng mapayapang rebolusyon na nagbunga naman ng kalayaan.


Umaasa aniya siya na sa paggunita ng kamatayan ni Aquino ay patuloy na lumakas pa ang ipinamana nitong diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Facebook Comments