Nagpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng special meeting sa Malacañang ngayong araw para pag-usapan ang nangyayaring tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kabilang sa mga pinadadalo ay ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, cabinet members, mga negosyante at sibilyan.
Ayon sa pangulo, mahalaga ang pakikipagpalitan ng opinyon ukol sa usapin para makabuo ang gobyerno ng makabuluhang ideya kung paano epektibong mapapangasiwaan ng bansa ang mga posibleng maging epekto ng gulo sa ukraine sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Inatasan naman ni Pangulong Duterte si acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles para magbigay ng update sa publiko hinggil sa pulong.
Una rito, bumotong pabor ang Pilipinas sa resolusyon ng United Nations General Assembly na kumukondena sa pananakop ng Russia sa Ukraine.