Pangulong Rodrigo Duterte, nagtalaga ng bagong pinuno ng Philippine Statistics Authority

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si University of the Philippines (UP) School of Statistics Dean Dennis Mapa bilang bagong pinuno ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa impormasyon mula sa Malacañang, pinirmahan ng Pangulong Duterte ang appointment paper ni mapa noong Lunes, May 27.

Uupo si Mapa sa kanyang bagong puwesto sa loob ng limang taon kung saan papalitan niya si Lisa Grace Bersales na nagtapos na ang termino noong Abril 22.


Una nang nagsilbi si Mapa bilang Dean at Propersor sa UP, kung saan din nito nakuha ang kanyang Bachelor’s Degree sa Statistics.

Mayroon din itong dalawang Master’s Degrees na kapwa Statistics at Economics, at Doctorate Degree sa Economics.

Facebook Comments