Pangulong rodrigo duterte, nagtungo na ng Japan para sa Enthronement Ceremony ni Emperor Naruhito

Presidential Photo

Tumulak na ng Japan si Pangulong Rodrigo Duterte para samahan ang iba pang mga lider at kinatawan ng higit 170 bansa para saksihan ang pag-upo sa trono ni Japanese Emperor Naruhito.

Ito na ang ika-apat na pagbisita ng pangulo sa tinaguriang “Land of the Rising Sun,” at pinakamalaking provider ng Official Development Assistance sa Pilipinas.

Nasa 2,000 panauhin mula sa 174 na bansa ang inaasahang dadalo sa Enthronement ng bagong Emperador ng Japan.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maliit lamang na delegasyon ang kasama ng pangulo.

Espesyal na strategic partner ng Pilipinas ang Japan, mula sa kalakalan, turismo, imprastraktura at teknolohiya.

Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang magsisilbing officer in charge habang wala sa Pilipinas ang pangulo.

Inaasahan ding babalik ang pangulo sa ating bansa sa Huwebes, October 24.

Facebook Comments