Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang kanyang Law Enforcement Powers kay Vice President Leni Robredo sa loob ng anim na buwan.
Ito’y matapos punahin ni Robredo ang war on drugs ng Administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa Malacañan kahapon, sinabi ng pangulo na magpapadala siya ng sulat sa Bise Presidente para rito.
Pero sa Interview ng Media, nilinaw ng pangulo na wala siyang isusukong anumang kapangyarihan at nais lamang niyang gawing ‘Drug Czar’ si Robredo.
Nilinaw ng Pangulo na hindi niya pinahihinto si Robredo sa kanyang mga kritisimo dahil bahagi ito ng Demokrasya.
Sa ilalim ng konstitusyon, ang Pangulo lamang ang may kontrol at pangangasiwa sa pulisya at militar, habang ang Bise Presidente ay Constitutional Successor lamang ng Pangulo.