Manila, Philippines – Natuloy na kahapon ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, bandang alas tres ng hapon nang dumating ang pangulo sa lungsod at agad nakaharap ang ilang military officials.
Aniya, ipinarating ng pangulo ang kaniyang suporta sa mga sundalo at pulis.
Nagpasalamat rin aniya ito sa kabayanihan at sakripisyong ibinibigay ng tropa ng pamahalaan sa Marawi.
Bukod sa suporta, binigyan rin ng pangulo ng relief good ang mga ito bago bumalik sa Davao City.
Magugunitang dalawang beses na sinubukan ng pangulo na bumisita sa Marawi pero nakakansela dahil sa masamang panahon.
Facebook Comments