Pangulong Rodrigo Duterte, nakatutok na sa mga lugar na sinasalanta ng Bagyong Vicky

Tiniyak ng Malakanyang na tuloy ang pagtutok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng Bagyong Vicky.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, abala ngayon ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo.

Kasabay nito, pinuri naman ng Malakanyang ang pagkilos ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Sa ngayon, naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Deparment of Health (DOH) ng tulong sa mga residente sa gitna ng pananalasa ng bagyo at ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments