Pangulong Rodrigo Duterte, nakauwi na sa Davao City

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na nakauwi na sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula sa Malakanyang, nakarating si Pangulong Duterte sa Villamor Airbase sa Pasay City alas 12:09 ng madaling araw at nakaalis sakay ng isang private plane papuntang Davao ng 12:30 am.

Pasadong alas 2:00 am naman nakarating ang Pangulo sa Davao City.


Matatandaan, noong April 26 na sinabi ng Pangulong Duterte na hindi siya pinayagan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na makauwi dahil sa banta ng COVID-19.

Ito rin ang naging dahilan kaya hindi siya nakadalo sa kaarawan ng kanyang asawa na si Honeylet, anak na si Kitty at ng kanyang apo.

Facebook Comments