Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan ng kapayapaan sa mga bansang apektado ng pinag-aagawang teritoryo

Nanawagan ng kapayapaan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng lider sa mga lugar na apektado ng hidwaan kabilang na ang pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa ginanap na high level debate sa 75th United Nations General Assembly, tinukoy ng Pangulo ang tumataas na geopolitical tensions sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pangulo, wala ni isa mang makikinabang sa pagtaas ng global tensions lalo pa’t kapag ang armas ay dinala sa labanan.


Tinawagan ng pansin ng Pangulo ang UN member-states na ganap na ipatupad ang Nuclear Non-Proliferation Treaty at ang Chemical and Biological Weapons Conventions.

Hiniling naman ng Chief Executive sa Philippine Senate na ratipikahan ang 2017 Nuclear Weapon Ban Treaty.

Facebook Comments