Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan sa grupong Kadamay na huwag pakialaman ang mga pabahay na nakalaan para sa mga sundalo’t pulis

66

Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong Kadamay na huwag pakialaman ang mga pabahay na nakalaan para sa mga sundalo’t pulis.

Sa kanyang pagharap sa ilang miyembro ng Kadamay at mga magsasaka sa Mendiola, sinabi ng Pangulo na magpapagawa pa siya ng mas maraming bahay para maibigay sa mahihirap na Pilipino.

Tiniyak din ni Duterte na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para maibigay ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Hiling nito, bigyan siya ng sapat na panahon para matupad ang kanyang mga pangako.

DZXL558

Facebook Comments