Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan sa publiko na magkaisa kasabay ng pagsisismula ng buwan ng Ramadan

Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapatid nating muslim na nagdiriwang ngayon ng Ramadan.

Sa kaniyang mensahe, sinabi nito na ang Ramadan ay isang paalala sa kahalagahan ng pagsasakripisyo, pagsunod at pagkakawanggawa sa araw-araw na pamumuhay.

Nanawagan din ang publiko na gamitin ang panahong ito sa pagkakaisa at pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan.


Sa huli, umaasa si Duterte na magpapatuloy ang lahat nang may tapang, pag-asa at positibong pananaw sa buhay dahil ang biyaya ng ramadan ay may dalang kapayapaan at kasaganahan sa bansa.

Facebook Comments