Nasa Japan na si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa International Business Forum at makipag-pulong kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo sa Haneda International Airpor alas 8:52 Martes ng gabi sa Pilipinas.
Sinalubong ang Pangulo nina Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V at Deputy Chief of Mission Eduardo Meñez Gayundin sina Japanese Foreign Minister Toshiko Abe at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda.
Nabatid na ito na ang ikatlong pagbisita ni Duterte sa Japan kung saan kasama niya ang 16 na mga Gabinete.
Magiging bahagi ng tatlong araw na working visit ni Duterte sa Japan ang kanyang partisipasyon bilang keynote speaker sa 25th International Conference on the Future of Asia ng Nikkei mula May 30 hanggang 31.
Nakatak rin magkaroon ng bilateral meeting ang Pangulo kay Japanese Prime Minister Shinzō Abe kasama ang mga miyembro ng Filipino Community.