MANILA – Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Dating Pangulong Fidel V. Ramos na nagbibitiw bilang special envoy to China.Ito’y kasabay ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa puntod ng kanyang mga yumaong magulang sa Davao City Roman Catholic Cemetery kagabi.Ayon kay Pangulong Duterte, nagpasalamat siya kay Ramos sa mga naging tulong nito para sa pag-uusad ng magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.Aminado ang pangulo na magkaiba sila ang pananaw ni Ramos pagdating sa usapin ng independent foreign policy at panghihimasok ng Estados Unidos sa kanyang kampanya kontra droga.Bukas naman si Pangulong Duterte na konsultahin pa rin si Ramos sa iba’t-ibang mga isyu.
Facebook Comments