Pangulong Rodrigo Duterte, nilinaw na hindi totoong wala siyang ginagawa para ipaglaban ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea dispute

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi totoong wala siyang ginagawa para ipaglaban ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea dispute.

Sa kanyang talumpati sa ika-33 National Convention ng Philippine Coast Guard Auxiliary sa Davao City, sinabi ng Pangulo na sa katunayan, plano ng Pilipinas na kumuha ng langis sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

At aniya, harap-harapan niyang nakausap si Chinese President Xi Jinping tungkol dito.


Gayunman, muling sinabi ng Pangulo na hindi pa tamang panahon para igiit sa China ang arbitral ruling.

Aniya, hindi sapat ang war machinery ng Pilipinas sakali mang magkaroon ng digmaan dahil sa isyu sa West Philippine Sea.
DZXL558

Facebook Comments