Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang ilang government properties para madagdagan ang pondo para sa ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) na layong tulungan ang mga mahihirap na pamilya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, may nabanggit ang Pangulo na propriyedad na maaaring ibenta, pero hindi muna niya ito isasapubliko.
Inatasan din ni Pangulong Duterte si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na magtapyas ng ilang budget items at i-realign ito para sa pondohan ang financial aid program sa mga mahihirap na pamilya na nasa ilalim ng lockdown.
Aabot sa 50 bilyong piso ang kailangan kung nasa 23 milyong mahihirap na benepisyaryo ang sakop ng ikalawang bugso ng subsidy program.
Hihingi rin ng tulong ang Pangulo sa Kongreso sa paghahanap ng karagdagang pondo para sa SAP second tranche.