Kinumpirma ng Palasyo na pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inatasan ng Pangulo si Undersecretary Jesus Melchor Quitain ng Office of the Special Assistant to the President upang pangunahan ang imbestigasyon.
Ito ay makaraang magbitiw sa pwesto si PhilHealth Anti-Fraud Legal Officer, Thorrsson Montes Keith dahil umano sa pagbili ng overpriced IT system ng institusyon na nagkakahalaga ng P2 billion.
Natanggap na rin aniya ng Palasyo ang isinumiteng resignation letter ni Keith.
Kasunod nito, naniniwala ang Malakanyang na isang seryosong usapin ang ibinunyag ni Keith kung kaya’t umaasa aniya ang Palasyo na makikipagtulungan ito sa ikakasang imbestigasyon.