Pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte, DOTr Secretary Art Tugade at BCDA President and CEO Vince Dizon ang final inspection ng Clark International Airport (CRK).
Ang bagong terminal ng Clark International Airport ay may mga tampok na unique features tulad ng self check-in with self bag drop sa pamamagitan ng contactless self-service kiosk, contactless ordering system, at gender-inclusive restrooms.
Mayroon din itong OFW lounge at heroes lounge na magagamit ng mga tinaguriang modern day heroes tulad ng mga OFW at para sa mga uniformed personnel kagaya ng police at mga miyembro ng military.
Ang naturang gusali ay proyekto ng DOTr at BCDA, isang first hybrid Public-Private Partnership o PPP Project sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte Administration na naglalayong madecongest ang mga gateways sa mga urban centers at magiging Northern at Central Luzon Catchment Area.
Kapag nagoperate na ay inaasahang kayang mag-accomodate ng CRK Terminal 2 ng 8 million pasahero kada taon.