Pangulong Rodrigo Duterte, pinangunahan ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kaanak ng mga sundalo at pulis na nasawi sa Marawi City

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kaanak ng sundalo at pulis na nasawi sa Marawi City.

Nagkakahalaga ng 250,000 pesos ang tsekeng ibinigay ng pangulo sa kaanak ng 101 sundalong namatay sa bakbakan.

Sa kanyang talumpati sa malakanyang, nakiramay ang pangulo sa mga naulila ng mga nasawing sundalo.


Binigyang pugay din ni Duterte ang mga sundalo at pulis na patuloy na ginagampanan ang tungkulin sa kabila ng panganib.

Pagpapaaralin niya ng libre ang mga anak ng mga namatay na sundalo at pulis.

Mayroon ding tig-isang milyong piso ang bawat kaanak mula sa isang negosyanteng hindi na nagpakilala.

Facebook Comments