Pangulong Rodrigo Duterte, pinangunahan ang pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 60th Palarong Pambansa 2017 sa Antique.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo na ang sektor ng edukasyon ang makakakuha ng pinakamalaking bahagi ng pondo ng gobyerno.

Hiling ng Pangulong Duterte sa mga atleta, huwag pabayaang malugmok ang bansa.


Iginiit din ng Pangulo na dapat ibalik ang Reserve Officers Training Corps o ROTC para matutong humawak ng baril ang susunod na henerasyon.

Tinalakay din Pangulo ang kanyang kampanya kontra ilogal na droga at korapsyon kung saan itinanggi nito na may kinalaman ang gobyerno sa extrajudicial killings.

Para naman sa mga delegadong atleta ng Region 11 ay nangako si Duterte ng 50,000 pesos sa mga mananalo.
DZXL558

Facebook Comments