Pangulong Rodrigo Duterte, Pinayuhan Ng Isang Senador Kaugnay Sa Pagtatanggol Sa Mga Tauhan Ng Cidg-Region 8 – Pahayag

11

MANILA – Pinayuhan ni Senator Grace Poe si Pangulong Rodrigo Duterte na kapag may oras ay basahin ang report ng mga otoridad kaugnay sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.Ang payo ni Poe ay kasunod ng pagtatanggol ng Pangulo sa mga tauhan ng CIDG Region-8 na nagsagawa ng police operation sa Baybay Sub-Provincial Jail.Ayon kay Poe – kinikilala nito ang determinasyon ni Pangulong Duterte sa paglaban sa droga, pero ang pagkampi nito ngayon sa mga tauhan ng CIDG-8 ay tila taliwas sa kanyang mga pahayag noon panahon ng kampanya.Una nang tiniyak ni Duterte noon nangangampanya pa lamang ito bilang Pangulo na wala siyang sasantuhin, maging mga pasaway na pulis sa paglaban kontra droga at kriminalidad sa bansa.

Facebook Comments