Pangulong Rodrigo Duterte, posibleng magtalaga ng bagong kalihim ng DOJ

“May the best man be appointed to the DOJ”

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque nang tanungin kung sino ang posibleng maging bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Kasunod na rin ito ng pagkakanomina kay Justice Secretary Menardo Guevarra ni Retired Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino para maging Associate Justice ng Kataas-taasang Hukuman.


Ayon kay Roque, sa ngayon wala pang napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng pumalit kay Guevarra sakaling ma-appoint ito sa Korte Suprema.

Nabatid na mababakante ang isang Supreme Court Associate Justice post dahil sa nakatakdang pagreretiro sa pwesto ni Associate Justice Jose Reyes sa darating na Setyembre.

Facebook Comments