Pangulong Rodrigo Duterte, posibleng sa Lunes pa magpakita sa publiko

Manila, Philippines – Posibleng sa Lunes pa makikita ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang isang linggong diretsong pamamahinga.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa Mindanao hour, kasabay ng pagtitiyak na walang malubhang sakit ang Pangulong Duterte.

Ayon kay Abella – mismo ay nakaharap noong isang gabi ang pangulo para makipagkuwentuhan.


Kagabi, magkasunod na inilabas ng Malacañang ang tatlong larawan ni Pangulong Duterte para patunayang nagtatrabaho ito at nakakalabas.

Unang inilabas ang mga larawang kinuha bandang alas-5:30 ng hapon kahapon kung saan makikitang abala ang pangulo sa paper works sa kanyang lamesa at nakatayo katabi si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Sunod ang larawang kuha sa Villamor Airbase kung saan kakababa ng pangulo mula sa presidential chopper at sumasalubo sa miyembro ng Philippine Air Force.

Facebook Comments