Pangulong Rodrigo Duterte, pupunta sa China ngayong buwan

Kinumpirma ng Malacañan na pupunta sa China si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan.

Ito ay upang makipagpulong kay President Xi Jinping.

Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang eksaktong petsa kung kailan mangyayari ito.


Maaring talakayin ng dalawang lider ang mga maiinit na isyu sa west philippine sea kabilang na rito ang problema sa panatag shoal at pagbangga ng Chinese Vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Bong Go na plano rin ng pangulo na manood ng FIBA World Cup na gaganapin din sa China para suportahan ang Gilas Pilipinas.

Facebook Comments