Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 response efforts ng Singapore.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng jubilee ng kanilang National Day.
Sa statement, sinabi ng Malacañang na patuloy na palalawakin at palalalimin ng Pilipinas ang partnership nito sa Singapore.
Ipinaaabot ni Pangulong Duterte ang kaniyang pagbati kay Singaporean President Halimah Yacob.
Batid din ng Pangulo ang patuloy na kooperasyon ng Singapore sa Pilipinas sa paglaban sa pandemya, kabilang ang pagpapalakas ng kapasidad ng bansa sa public health system, at pagresolba sa pangangailangan sa mahahalagang medical supplies at equipment.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagtutulungan para sa mga hamong kinakaharap ng mga mamamayan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kabilang ang global health crisis.
Nabatid na huling bumisita si President Halimah sa Pilipinas noong nakaraang taon.