Pangulong Rodrigo Duterte, sinisi ang NPA sa mabagal na usad ng peace talks

Manila, Philippines – Sinisini Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army kung bakit mabagal ang pagusad ng peace talks.

 

Gayunman, sa talumpating pangulo sa harap ng mga opisyal ng Boy Scout of the Philippines sa Malacañangsinabi ng pangulo na natuloy na ang ika-apat na round ng usaping kapayapaan sathe Netherlands.

 

Iginiit naman ng pangulona nakahanda siyang gamitin ang air assets kapag hindi pa rin nagkaroon ngpinal na kasunduan ang gobyerno at CPP-NPA-NDF.


 

Naniniwala naman si Dutertesa posibilidad na patay na si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

 

Aniya, wala na siyangnarinig na balita kay hapilon matapos niyang ipag-utos na bombahin ang bahaynito sa JOLO, SULU may dalawang buwan na ang nakararaan.

 

Gayunman, hindiisinasantabi ng pangulo ang posibilidad na buhay pa si Hapilon.

 

Istilo na aniya ngrebeldeng grupo na magpalamig muna matapos ang pag-atake at bigla na lamanglumulutang para muling mambiktima.

 

Bukod sa pagiging liderng bandidong grupo, ginawa na rin aniyang lider si Hapilon ng isis sa Pilipinas.

 

Facebook Comments