Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang sarili ang mababang suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa mga unang bahagi ng 2021.
Sa kaniyang recorded na ‘Talk to the Nation’ kagabi, sinabi ng pangulo na napakahirap na makakuha ng suplay ng bakuna lalo’t wala namang COVID-19 vaccine manufacturing company ang bansa.
Aminado rin ang pangulo na hindi kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa mayayamang bansa pagdating sa pagbili ng bakuna.
“Iyan po ang nakabigay ng problema sa akin at kung meron mang nagkasala diyan, aaminin ko na lang kasi wala rin naman akong magawa. Gusto kong bumili, wala naman akong mabilhan. At kung makipag-contest ako doon sa mga mayaman sa bilihan ng bakuna eh talagang huli ako,” ani Duterte.
Pero ayon kay Pangulong Duterte, gumanda na ang vaccination program sa bansa.
Sa ngayon, umabot na sa 49, 673, 491 ang nabakunahan sa buong bansa kontra COVID-19 kung saan mahigit 23 million na ang fully vaccinated.