Pangulong Rodrigo Duterte, tinawag na numero unong drug addict ng Pilipinas

Manila, Philippines – Tinawag ni CPP Founding Chairman Joma Sison na numero unong drug addict ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement noong linggo sinabi ni Sison na dapat ay si Duterte ang tinatarget ng pulisya at hindi ang maliliit na adik.

Aniya, lulong sa gamot na fentanyl ang pangulo na ginagamit nitong pain killer sa tinamo noong motorcycle injury.


Wala pang pahayag si Duterte hinggil dito.

Matatandaang nagsimula ang palitan ng maaanghang na patutsada ng dalawa matapos na kanselahin ng pangulo ang peace talk sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang grupo.

Facebook Comments