Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit pa aabutin ng 10 taon o tapos na ang kanyang termino basta buhay pa siya, lalaban pa rin siya sa mga ISIS.
Kasunod na rin ito ng pagtitiyak ng pangulo na pupulbusin ang Maute terror group sa Marawi City.
Kasabay nito, nagpahayag ng matinding galit si Pangulong Duterte dahil may mga moro na nagpapakamatay sa banyagang idolohiyang dinala mula sa Middle East.
Hindi aniya ginagamit ng mga miyembro ng Maute group ang kanilang mga utak at pumapayag papasukin ang mga foreigner o banyaga para sirain ang sariling bayan.
DZXL558
Facebook Comments