Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak na makukulong ang pulis na pumatay sa isang ginang sa QC

121

Titiyakin ni Pangulong Rodrigo Duterte na makukulong ang pulis na bumaril at pumatay sa isang ginang sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Ayon sa Pangulo, ipagtatanggol niya ang pulis o sundalong pumapatay nang may kaugnayan sa kanilang trabaho, pero hindi ang mga may intensyong pumatay habang lasing.


Tinutukoy rito ni Pangulong Duterte si Police Master Sgt. Hensie Zinampan, ang pulis sa viral video ng pagbaril sa biktimang si Lilybeth Valdez.

Una nang ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Genaral Guillermo Eleazar ang pagsibak kay Zinampan sa serbisyo at pagsasampa rito ng mga kasong administratibo at kriminal.

Facebook Comments