Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak na walang makukulong na mga pulis at sundalo

60

Manila, Philippines –  Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walangmakukulong na mga pulis at mga sundalo dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin.

 

Ayon sa pangulo,nakahanda niyang bigyan ng presidential pardon ang sino mang mga pulis atsundalo na mahaharap sa kaso.

 

Giit pa ni Duterte,batay sa saligang batas, may karapatan ang pangulo na magbigay ng pardon sa mgaakusado at maging sa kriminal.

 

Sinabi pa ni Duterte nakinusunsidera rin niya ang pagbibigay ng promotion mga pulis na sangkot sapagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

 

Aniya, hindi niyamaaaring iwan ang mga pulis na sumunod lang sa kaniyang utos kaugnay ngkampaniya kontra ilegal na droga.

 

Gayunman, tiniyak ni Dutertena hindi niya panghihimasukan ang paghahain ng reklamong pagpatay laban sa mgapulis at hahayaan gumulong ang legal na proseso.

 

Pero sandalingmahatulan, gagamitin aniya niya ang kaniyang kapangyarihan.

 

 

Facebook Comments