Pangulong Rodrigo Duterte, tumanggi sa alok ng Mighty Corporation na utay-utayin ang pagbabayad ng kanilang tax liabilities ayon sa Department of Justice

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice na tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng Mighty Corporation na hulug-hulugan ang kanilang kompromiso para sa kanilang tax liabilities.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre – pumayag na ang mga opisyal ng Mighty Corporation na magbayad na lamang ng 13 billion pesos kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa kanila, pero ito ay gagawin hulugan.

Pero, hindi pumayag aniya ang Pangulo at iginiit na dapat buo ang bayad na ibibigay ng Mighty Corporation.


Sisimulan naman ng Department of Justice ang preliminary investigation para sa 9.564 billion tax evasion na kaso na inihain ng Bureau of Internal Revenue laban sa nasabing kumpanya.

Facebook Comments